Wednesday, March 19, 2008

This is my moment to drama

Hehe tama na yang si Ikuta. Masyado na yang magfifiller kasi ang adik ko na sa kanya. Sa ngayon, ako ay nalulungkot dahil tapos na ang kalai days ko with Cecile, Jo, Joy, Mich at Jane!!! huhu. wala nang pupunta sa room ko at sasalpak sa bed ko at mag-aaral dun. Lalo na si mich. kasi kapag nag-aaral sha dun nauuna pa akong makatulog sa kanya tapos aalis sha sa room mga madaling araw na. kahit laging may topak ang ilaw namin sa room. wala na rin akong masasabihan araw-araw ng "i need you" at "i'll jump for you" at "i love you more" (note: yan ang mga taglines at kilig phrases sa hana kimi at coffee prince). Hindi na rin kami madalas makakakanta ng Ikenai Taiyou (Hana Kimi) ng sabay-sabay kahit na hindi naman talaga namin naiintindihan ang ibig sabihin ng bawat word sa kanta. Daher. Hindi na rin namin mashe-share ang pagrereklamo sa pagkain sa kalai at maghihintayan. Hindi na rin kami sabay-sabay kukuha ng tubig sa dispenser para makapagtimpla ng kape/milk tea. Hindi na rin kami makakapag-picnic sa mga pagkain namin. huhu. hindi na rin kami sabay-sabay makakanood ng mga tulad ng hana kimi. Hindi na rin kami mashadong makikipag kwentuhan tungkol sa mga "churvs" namin. awiwiwiwiwi.

Kasi naman everyday after ng mga klase ko at kung ano man ang inaasikaso ko, i always look forward sa mga gabi ko sa kalai. Lately sobrang saya na namin eh. Nag-eenjoy talaga ako kasama sila at nata-touch. Ang sarap ng feeling na may uuwian ka eh. Haha. Wah kaya ako nababahala kasi naman kahit theoretically makakapag keep in touch kami hindi naman yon namamaximize sa experimental results sa totoong buhay. ngek. Kung magdodorm kami, duh, hindi naman kami lahat matatanggap sa iisang dorm. Maraming sources of error: ung point system sa mga dorm, ung mga magulang namin, etc etc.

Pero wait! hindi naman ako malulungkot ng ganon kung matutuloy ang aming plano na mag-boarding house or mag rent sa iisang bahay. Sabi ni joy baka sa UP Bliss makahanap sila. Waaah sana nga!!!!!!!

At ito pa. Si Mica dudes my roommate. Sobrang swerte ko na sha ang roommate ko. As in. Ang bait nya sobra. Salamat din sa laptop nya nakakapanood kami ng Coffee Prince at Hana Kimi. At syempre nakakapagpatugtog ako ng rivermaya!!! ahahah. Tapos kung kailangan namin para sa requirements ay nakiki-type kami sa kanya.

Ahhhhhh. Time drives, flies, runs, and glides soooo fast.

Saturday, March 1, 2008

Sad Post

Nanood ako ng isang korean movie at ang title nya ay Sad Movie. Shaaaks, ang sad nga. Sukdulang pagka-sad :( kahit paputul-putol ung panonood ko (which means hindi mo siguro masyadong mafi-feel) kasi sinisingit ko lang sa paggamit ng pc, waaahh sobrang umiiyak ako talaga. Pero nakakaadik ung pag-iyak ko kasi gusto ko pang umiyak. Kasi ang sad movie nga nya.

But oh well, isa pang sad movie na nangyari sa totoong buhay, ang istorya ng palakang pinapangalanan kong Happy para hindi naman lahat sa kanya ay sad. Kasi sa bio11 lab namin, ako ngayon ang nag-pith ng frog. Last time kasi si Den at yung isang ate na ka-group namin. Ang feeling ko pa nga dati kasi inisip ko sa loob-loob ko na "ang bagal naman ni ate mag-pith." Pero ngayong ako na ang nag-pith sobrang hirap pala sa kaloob-looban. First time ko at halos maiyak na ako kahapon kasi hawak-hawak ko ng right hand ko yung katawan ni Happy tapos ung left hand may needle na pantusok nung ulo nya. Sobrang mafi-feel mo kasi kung pano sya nag-silent struggle habang pinapatay ko sha. Wah. Kawawa naman yung frog! Una kakapain yung depression sa may skull nya tapos ididiretso mo na sa loob at ima-macerate. Shaaks ima-macerate ko pa. Tapos double pithing kasi so ibabaligtad mo yung needle at ang aim mo ay pumasok sa vertebra at i-macerate din ang spinal cord nya. Waaahh ang hirap talaga kaya sobrang tagal ko nag-pith at tinuturuan ako ni ate kung ano ang gagawin. Isipin mo ikaw ung ima-macerate.

Isa pa, natalsikan ako ng formalin sa mata kahapon!! Awwchhhh ang sakit non infairness.

Pero wah nagi-guilty ako ngayon kasi nung patay na ung frog at na-dissect na namin at nakalabas na lahat ng organs nya at tapos na yung pag-identify namin sa mga parts, inexamine ko pa rin sha tapos pinaglalaruan ko pa nga yung organs. Watdahur.

Hmmm. Dapat kagabi ng 7:30 ay pupunta lahat ng candidates sa USC sa kalai tapos isa-isa silang magsasalita. Pero dahil 7:30 pa yon, umuwi na ako. Sayang ang bahay. Buong week na nga ako nasa dorm eh. Wah sana manalo yung mga gusto kong manalo. Hehe. Uy pero! pero! pero! nilulubos ko na ngayon ang mga kalai moments ko kasi malapit na ang 2nd year. Sobrang bilis ng time. May nagsabi nga kagabi, si Joy ata, "maya maya lang may pamilya na tayo." Syaks.

Anyway, nanood ako ng recital ng Kontragapi with Joy, Jane, Cecile at si Cheska. Napakasaya! ang galing nila tumugtog at ang galing nung mga nagsasayaw. Sana matuloy ang balak namin ni Jo na pagsali don. hehe. Eto nga pala multiply nila, pero hindi masyadong updated: www.kontragapi.multiply.com

Oh, tinatamad pa akong gumawa ng kahit ano. so manonood pa ako ng Korean movie!!! wahaha.

Teka, magrarant muna ako. Hindi ko na mapigilan. Bumagsak ako sa Chem26.1 Midterm exam. Take note: Midterms! Syomay. I keep on blaming my prof kasi hindi sha magaling magturo. As in. I think buong class mag-aagree, or ako rin nag-aagree sa kanila. Either way. Pero syempre ako rin ang may kasalanan nun. Kasi di naman yun dahilan para hindi ko seryosohin ang isang medterm exam. Anobayan.

Saturday, February 23, 2008

Rivermaya nung UP Fair

actually sobrang late na nitong post na to dapat nung isang week ko pa to pinost kaso nag weekend stay ako at ngayon lang ako nakauwi.

Sabi nga sa title, nanood ako nung fair week. pero nung thursday lang - nung SISFIRE. kasi nga un lang ung may RIVERMAYA!!!!!!!!!!!! at isa pa di ako nakanood nung tuesday kasi maysakit din ako nun. pero buti ok na ako by thurs dahil yun ang pinakahihintay ko sa lahat.

Nakauwi na kami ni jo ng mga 1:00 am. wahaha. pagkatapos na pagkatapos kong magbihis ng pantulog ito dinocument ko na ang ligayang nadarama ko nun at ito ang isinulat ko sa eeetsyyy-beeeetsy notebook ko:

Ayun, so mga 10pm hinatin namin from the fair grounds si Peach papuntang kalai kasi curfew na nya. Nung pagbalik namin sa sunken, si Jo nga ay sobrang nagmamadali kasi baka daw stonefree na ang mag-perform. Pagdating namin sa sunken sa side ng for exit only, biglang narinig ng aking radar ears ang intron ng "Bandila" mixed with other sikat na intros ng songs ng Rivermaya! sobrang kumabog yung puso ko. Shet. Wah ang layo namin at nandun kami sa other side ng sunken (magkahiwalay ang entrance at exit). Adrenaline rush, kumaripas ako ng takbo at kumalas kay Jo. Wah ako pala dapat ung nagmamadali at hindi si jo . Halos madapa-dapa na ako at di ko ininda ung dulas ng grass at ung malalaking tree roots at ung obstacle ng pagtakbo sa matirik na slope sa gilid ng sunken. At sobrang hindi ko na rin naisip yung mga Jumping Jologs na maaaring mantrip sa akin. Sa sobrang bilis ko napunta ako sa wrong area ng sunken dahil nagshortcut ako at dumaan ako sa putik. Sa likod ko si jo ay medyo malayo na at hinihingal na kakahabol sa kin. So yun, tumuloy pa rin ako sa putik at late ko na narealize na nasa gitna ako ng very as in very soft na lupa. Sinabihang pa nga ako ng mga batang nagtitinda ng panali sa buhok na "ate, maputik dyan di ka makakadaan." So kahit ang dami nang nakatingin sa akin at hinihingal ako ay bumalik ako pa-diagonal sa mud at wah, lumubog yung shoes ko sa malalim na putik. Pero wah care kasi takbo pa rin ako. nung time na yun patapos na ung unang song, Awit ng Kabataan. Di pwede tooooooo!!!!!!! Pagkakita ko sa entrance ang haba ng pila so kahit ganun sumingit ako sa isang ate. At fine, ang atat ko talaga sobrang halos manulak na ako at nagmamadaling dumaan sa nag-iinspect ng tatak at sa nangangapkap. Yes. Sa wakas nasa loob na ko. Ayan malapit naaaa. Takbo, takbo, takbo. Yung boses ni Kuya Japs palapit na! Wahhh. pagkakita ko ang kapal na ng tao compared sa kanina. Buti magaling si Jo at dinrag niya ako paloob. pagkaposisyon ko tumalon agad ako at sumabay sa 2nd song nila. Waaahh! nagpapansin ako at booom! Tumaingin sa amin si Kuya Japs at ngumiti!! Melt, melt melt!!!!!!! ang gwapo nyaaa. tapos tumingin ako kay Jayson Fernandez katabi ni Japs. Ang gwapo rin nya. Heaveeennnn kahit na sobrang dinodominate na ng mga JJ ung harap namin. Thank you talaga at pinansin nya ang pagpapapansin ko. Sobrang natatandaan ko pa ung feeling at nag-freeze ung moment na yon. Ang laki ng dimples ni Kuya Japs....whahahaahhaahhaha.

Ayun at this point pagod na akong magsulat at inaantok na ako tapos 7:00 pa ung klase ko the next day.

So dinagdag ko na lang sa huli ung mga words for the day nina kuya mike at japs nung intro nila sa 3rd song, since Feb. 14 yun at Valentines day:

Kuya Mike: Oh kamusta naman ang valentines? Lecheng pag-ibig yan noh?
Kuya Japs: Oo nga, shet.


wahahahaha!!! syempre kinabisado ko talaga yung mga famous words nila.

Sunday, September 2, 2007

grrr

i'm having mood swings right now.....ugh...

wah. hindi ako makakapagpasa ng reaction paper sa kas1 kasi hindi ako nakinig/nakapakinig. example lang ito ng aking inefficiency. maraming similar cases ang nangyari na sa akin....yuck.

Saturday, June 16, 2007

MBB = Mga Bibong Bata

anyway, sobrang dami pang ibig sabihin ng MBB na nakalagay dun sa likod ng booklet ng MBB na may Shrek na theme....kasi daw "in a land so far, far away......The Albert Hall! wahaha

totoo ung titulo ng post na ito. ang mga tao sa MBB ay super duper mega kilowatt hyper dudes of the albert hall na located in the land so far far away nga. anyway, gusto ko nang kumain nung P20 na lunch na limang siomai at kanin.

ayan, dahil nandito ako ngayon sa isang computer shop sa Shopping Center dahil wala akong magawa!! at dahil malapit na ung yoga class ko, i will update some other time. excited na ako sa yoga!!!!

weeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!

Monday, May 14, 2007

U-nibersidad ng Pilipinas!

Ayan. syempre umattend din ako nung FOP at nung enrolment no! kaya't eto ang mga hightlights ng very wee! events na yan.

  • nagpapasalamat ako kay Ms. Kristine Cangas alias "Metaphor model sa Boracay" dahil kahit hindi field bio ay naging buddy ko pa rin sha nung enrolment at nung FOP. ayan. marami rin akong nakasabay nun tulad nina cecile, ben, peach, joy at jerico. duh, MBB rin sila syempre. tapos syempre marami rin akong nakitang mga Pisay people. :)
  • aynako. ung APE, nagulat ako dahil si Ma'am Bargo ung na-assign sa room namin. nanumbalik tuloy ang mga Topazish na pangyayari. ahaha. balewala talaga ung pag-take ko ng APE at pagbayad ng P200. pero actually hindi kasi ayoko talaga mag Math 53 kung sakaling pumasa ako. ni hindi ko man lang tiningnan kung pumasa ako o hindi eh.
  • ung mga host sa FOP. ung isa kamukha talaga nya si Marky Cielo. ung taga-Mindanao na magaling mag box na naka-jacket na naka-rubber shoes na mahaba ung buhok. ahaha. tapos ung isa naman soooper hyper. ung naka-tsinelas. ay oo nga pala, parang ang sarap mag-tsinelas sa UP. ah lahyk eat!!!
  • tulad ng marami, nagpapasalamat ako sa Pep squad ng UP!! I love you all! Grabe so galing to the max!! at gusto ko ung gimik nila na ung ibang member ay nasa audience. ahaha. tuloy nagababalak ako ngayon na maging drummer nila, ahahaha.
  • ung mga mascomm na uminom ng high-energy actigen e found in Milo, sobrang gaaayyyy!! ung isa, nalaglag pa ung wig. ahaha. pero game pa rin. ang saya. ang dami nilang kinanta grabe ang saya saya. :) eto pala ung totoong lyrics nung isang kanta. buti sinabi ni Cecile:
magaling kumanta: singer, singer
magaling umarte: actor, actor
UE UE: warrior warrior
UST UST :tiger tiger
mga taga la salle: archer, archer
pero hindi naman sila UPCAT passer!

ayan. unti-unti na akong pumapasok sa college. ayan na...ayan na...ayan na. :)

Monday, May 7, 2007

Sooo Lab-techish :)

STRICTLY GERM-PROOF
by Arthur Guiterman

The Antiseptic Baby and the Prophylactic Pup
Were playing in the garden when the Bunny gamboled up;
They looked upon the Creature with a loathing undisguised;-
It wasn't Disinfected and it wasn't Sterilized.

They said it was a Microbe and a Hotbed of Disease;
They steamed it in a vapor of a thousand-odd degrees;
They froze it in a freezer that was cold as Banished Hope
And washed it in permanganate with carbolated soap.

In sulphureted hydrogen they steeped its wiggly ears;
They trimmed its frisky whiskers with a pair of hard-boiled shears;
They donned their rubber mittens and they took it by the hand
And 'lected it a member of the Fumigated Band.

Theres not a Micrococcus in the garden where they play;
They bathe in pure iodoform a dozen times a day;
And each imbibes his rations from a Hygienic Cup--
The Bunny and the Baby and the Prophylactic Pup.

Monday, April 9, 2007

Nakaka-inspire to :)


nakita ko to sa DA. ang title nya A Flower For God. nakaka-inspire. happy easter nga pala kanina! :)
:)
:)
:)
:)

Sunday, April 8, 2007

BARATATATATATATAT!!!!!!!!!!!!

wla akong magawa.

ayoko.
bad.badding.

burst
ako ang daigdig
ang daigdig ay ako

ang daigdig
dig
dig
dig
dig
dfjadlfadlfal;df
wag mo na basahin to]
wlal ka maapapapappala

sanay maghintay ang walang hanggan
gusto

ko

ng

flexible keyboard
bilan moko
iwa moto

dear P10,000 sa store kanina
naiinis ako sayo
alam mo kung bakit
kasi ang feeling mo
ang mahal mo
sobra
rararararar

BARATATATATATATATATAT!!!!!!

o bituing natatangi!
happy easter!
wee!
will rock you!

dear lobster
gusto kitang kainin

best buy
ang lysol ay mabaho
di tulad ng gladee mabango

nakakadiri ang mango juice
ang daming nagkakantahan sa labas
naiinis tuloy ako sa magic sing
nakakainis ung mascot nya

Saturday, April 7, 2007

Grrrr....

hmmm....dahil wala akong makwentuhan ngayon, ikaw na lang. :)

at dahil bad day ngayon, naiinis ako kasi tinaasan nila ung tuition sa UP. gosh, 1000 na sha per unit! ok lang sila? eh ilan ba ang units na kukunin ko? hindi naman kami mayaman. hoy FYI mahirap kunin ang sabihin na nating 18,000 para sakin. at may mga kapatid pa ako! at marami pang bayarin! hoy hoy hoy. buti sana kung oblation ako. pero kahit naman oblation ako eh. naku babaan nila ang tuition. aba katumbas na yon ng pc namin, may sobra pa silang ilang libo. grr....

at alam ko dahil yan sa mga namamalakad dyan sa gobyerno. tinaasan nila eh. doy naman. kaya please, pakiusap ko sa mga batchmates na manong at manang na at nagdebut na....have mercy. alam nyo na gagawin nyo ngayong mayo.

at kaya nga sa loob loob ko gusto kong mag working student. at kung maaari gusto ko ng summer job. naisip ko nang magtutor. odiba soshal ang manang mo! pero hindi nga. gusto ko ng summer job. kaya mr. patrick bigyan mo na ako ng sweldo sa typing job ko. yikee. sige na! joke.

actually ilang beses ko nang naisip na mag-apply bilang yaya sa bahay ni kat chan. o diba kung doon ako magtatrabaho bawing bawi! at feeling ko may bonus pa! at bilang yaya bibigyan nila ako ng sarili kong kotse, sariling kwarto with tv, laptop, etc. ganon. tapos ung gagawin ko lang ay ang maghiwa ng carrots. kasi feeling ko sandamakmak ang yaya don. kaya calling ms. kat chan, my dear physics groupmate, i'm always here lang, ready to receive your call.

oy joke lang. pero anyway, dahil wala nang dorm food ngayon, namimiss ko na tuloy ang stipends.