Saturday, April 7, 2007

Grrrr....

hmmm....dahil wala akong makwentuhan ngayon, ikaw na lang. :)

at dahil bad day ngayon, naiinis ako kasi tinaasan nila ung tuition sa UP. gosh, 1000 na sha per unit! ok lang sila? eh ilan ba ang units na kukunin ko? hindi naman kami mayaman. hoy FYI mahirap kunin ang sabihin na nating 18,000 para sakin. at may mga kapatid pa ako! at marami pang bayarin! hoy hoy hoy. buti sana kung oblation ako. pero kahit naman oblation ako eh. naku babaan nila ang tuition. aba katumbas na yon ng pc namin, may sobra pa silang ilang libo. grr....

at alam ko dahil yan sa mga namamalakad dyan sa gobyerno. tinaasan nila eh. doy naman. kaya please, pakiusap ko sa mga batchmates na manong at manang na at nagdebut na....have mercy. alam nyo na gagawin nyo ngayong mayo.

at kaya nga sa loob loob ko gusto kong mag working student. at kung maaari gusto ko ng summer job. naisip ko nang magtutor. odiba soshal ang manang mo! pero hindi nga. gusto ko ng summer job. kaya mr. patrick bigyan mo na ako ng sweldo sa typing job ko. yikee. sige na! joke.

actually ilang beses ko nang naisip na mag-apply bilang yaya sa bahay ni kat chan. o diba kung doon ako magtatrabaho bawing bawi! at feeling ko may bonus pa! at bilang yaya bibigyan nila ako ng sarili kong kotse, sariling kwarto with tv, laptop, etc. ganon. tapos ung gagawin ko lang ay ang maghiwa ng carrots. kasi feeling ko sandamakmak ang yaya don. kaya calling ms. kat chan, my dear physics groupmate, i'm always here lang, ready to receive your call.

oy joke lang. pero anyway, dahil wala nang dorm food ngayon, namimiss ko na tuloy ang stipends.

No comments: