Wednesday, March 19, 2008

This is my moment to drama

Hehe tama na yang si Ikuta. Masyado na yang magfifiller kasi ang adik ko na sa kanya. Sa ngayon, ako ay nalulungkot dahil tapos na ang kalai days ko with Cecile, Jo, Joy, Mich at Jane!!! huhu. wala nang pupunta sa room ko at sasalpak sa bed ko at mag-aaral dun. Lalo na si mich. kasi kapag nag-aaral sha dun nauuna pa akong makatulog sa kanya tapos aalis sha sa room mga madaling araw na. kahit laging may topak ang ilaw namin sa room. wala na rin akong masasabihan araw-araw ng "i need you" at "i'll jump for you" at "i love you more" (note: yan ang mga taglines at kilig phrases sa hana kimi at coffee prince). Hindi na rin kami madalas makakakanta ng Ikenai Taiyou (Hana Kimi) ng sabay-sabay kahit na hindi naman talaga namin naiintindihan ang ibig sabihin ng bawat word sa kanta. Daher. Hindi na rin namin mashe-share ang pagrereklamo sa pagkain sa kalai at maghihintayan. Hindi na rin kami sabay-sabay kukuha ng tubig sa dispenser para makapagtimpla ng kape/milk tea. Hindi na rin kami makakapag-picnic sa mga pagkain namin. huhu. hindi na rin kami sabay-sabay makakanood ng mga tulad ng hana kimi. Hindi na rin kami mashadong makikipag kwentuhan tungkol sa mga "churvs" namin. awiwiwiwiwi.

Kasi naman everyday after ng mga klase ko at kung ano man ang inaasikaso ko, i always look forward sa mga gabi ko sa kalai. Lately sobrang saya na namin eh. Nag-eenjoy talaga ako kasama sila at nata-touch. Ang sarap ng feeling na may uuwian ka eh. Haha. Wah kaya ako nababahala kasi naman kahit theoretically makakapag keep in touch kami hindi naman yon namamaximize sa experimental results sa totoong buhay. ngek. Kung magdodorm kami, duh, hindi naman kami lahat matatanggap sa iisang dorm. Maraming sources of error: ung point system sa mga dorm, ung mga magulang namin, etc etc.

Pero wait! hindi naman ako malulungkot ng ganon kung matutuloy ang aming plano na mag-boarding house or mag rent sa iisang bahay. Sabi ni joy baka sa UP Bliss makahanap sila. Waaah sana nga!!!!!!!

At ito pa. Si Mica dudes my roommate. Sobrang swerte ko na sha ang roommate ko. As in. Ang bait nya sobra. Salamat din sa laptop nya nakakapanood kami ng Coffee Prince at Hana Kimi. At syempre nakakapagpatugtog ako ng rivermaya!!! ahahah. Tapos kung kailangan namin para sa requirements ay nakiki-type kami sa kanya.

Ahhhhhh. Time drives, flies, runs, and glides soooo fast.

2 comments:

usecalibri said...

GIHANNA :P sinong mas madrama satin ngayon ha? haha. owel, sana makahanap nga ng bahay si joy :P AT KELANGAN NATIN LUMABAS, ok? HAHA. STUDIO PIC! Yeah, BABY! :))

Gihan said...

Yah nahawal ang ako sayo no. ininherit ko lang to. ahaha. Baby!!!