Saturday, March 1, 2008

Sad Post

Nanood ako ng isang korean movie at ang title nya ay Sad Movie. Shaaaks, ang sad nga. Sukdulang pagka-sad :( kahit paputul-putol ung panonood ko (which means hindi mo siguro masyadong mafi-feel) kasi sinisingit ko lang sa paggamit ng pc, waaahh sobrang umiiyak ako talaga. Pero nakakaadik ung pag-iyak ko kasi gusto ko pang umiyak. Kasi ang sad movie nga nya.

But oh well, isa pang sad movie na nangyari sa totoong buhay, ang istorya ng palakang pinapangalanan kong Happy para hindi naman lahat sa kanya ay sad. Kasi sa bio11 lab namin, ako ngayon ang nag-pith ng frog. Last time kasi si Den at yung isang ate na ka-group namin. Ang feeling ko pa nga dati kasi inisip ko sa loob-loob ko na "ang bagal naman ni ate mag-pith." Pero ngayong ako na ang nag-pith sobrang hirap pala sa kaloob-looban. First time ko at halos maiyak na ako kahapon kasi hawak-hawak ko ng right hand ko yung katawan ni Happy tapos ung left hand may needle na pantusok nung ulo nya. Sobrang mafi-feel mo kasi kung pano sya nag-silent struggle habang pinapatay ko sha. Wah. Kawawa naman yung frog! Una kakapain yung depression sa may skull nya tapos ididiretso mo na sa loob at ima-macerate. Shaaks ima-macerate ko pa. Tapos double pithing kasi so ibabaligtad mo yung needle at ang aim mo ay pumasok sa vertebra at i-macerate din ang spinal cord nya. Waaahh ang hirap talaga kaya sobrang tagal ko nag-pith at tinuturuan ako ni ate kung ano ang gagawin. Isipin mo ikaw ung ima-macerate.

Isa pa, natalsikan ako ng formalin sa mata kahapon!! Awwchhhh ang sakit non infairness.

Pero wah nagi-guilty ako ngayon kasi nung patay na ung frog at na-dissect na namin at nakalabas na lahat ng organs nya at tapos na yung pag-identify namin sa mga parts, inexamine ko pa rin sha tapos pinaglalaruan ko pa nga yung organs. Watdahur.

Hmmm. Dapat kagabi ng 7:30 ay pupunta lahat ng candidates sa USC sa kalai tapos isa-isa silang magsasalita. Pero dahil 7:30 pa yon, umuwi na ako. Sayang ang bahay. Buong week na nga ako nasa dorm eh. Wah sana manalo yung mga gusto kong manalo. Hehe. Uy pero! pero! pero! nilulubos ko na ngayon ang mga kalai moments ko kasi malapit na ang 2nd year. Sobrang bilis ng time. May nagsabi nga kagabi, si Joy ata, "maya maya lang may pamilya na tayo." Syaks.

Anyway, nanood ako ng recital ng Kontragapi with Joy, Jane, Cecile at si Cheska. Napakasaya! ang galing nila tumugtog at ang galing nung mga nagsasayaw. Sana matuloy ang balak namin ni Jo na pagsali don. hehe. Eto nga pala multiply nila, pero hindi masyadong updated: www.kontragapi.multiply.com

Oh, tinatamad pa akong gumawa ng kahit ano. so manonood pa ako ng Korean movie!!! wahaha.

Teka, magrarant muna ako. Hindi ko na mapigilan. Bumagsak ako sa Chem26.1 Midterm exam. Take note: Midterms! Syomay. I keep on blaming my prof kasi hindi sha magaling magturo. As in. I think buong class mag-aagree, or ako rin nag-aagree sa kanila. Either way. Pero syempre ako rin ang may kasalanan nun. Kasi di naman yun dahilan para hindi ko seryosohin ang isang medterm exam. Anobayan.

2 comments:

usecalibri said...

ay talagang hindi ka pa pala talaga OVER that 26.1 exam. hayyy nakakfrustrate talaga yung mga ganun no? pero oh well, isipin mo na lang.. andito sai ERROL CHOI sa pilipinas ngayon. no joke. :D nakita ko kanina sa startalk :D woooooots :D

anapat said...

kaya mo yan Gihan. you shall conquer chem26.1! :)