Saturday, February 23, 2008

Rivermaya nung UP Fair

actually sobrang late na nitong post na to dapat nung isang week ko pa to pinost kaso nag weekend stay ako at ngayon lang ako nakauwi.

Sabi nga sa title, nanood ako nung fair week. pero nung thursday lang - nung SISFIRE. kasi nga un lang ung may RIVERMAYA!!!!!!!!!!!! at isa pa di ako nakanood nung tuesday kasi maysakit din ako nun. pero buti ok na ako by thurs dahil yun ang pinakahihintay ko sa lahat.

Nakauwi na kami ni jo ng mga 1:00 am. wahaha. pagkatapos na pagkatapos kong magbihis ng pantulog ito dinocument ko na ang ligayang nadarama ko nun at ito ang isinulat ko sa eeetsyyy-beeeetsy notebook ko:

Ayun, so mga 10pm hinatin namin from the fair grounds si Peach papuntang kalai kasi curfew na nya. Nung pagbalik namin sa sunken, si Jo nga ay sobrang nagmamadali kasi baka daw stonefree na ang mag-perform. Pagdating namin sa sunken sa side ng for exit only, biglang narinig ng aking radar ears ang intron ng "Bandila" mixed with other sikat na intros ng songs ng Rivermaya! sobrang kumabog yung puso ko. Shet. Wah ang layo namin at nandun kami sa other side ng sunken (magkahiwalay ang entrance at exit). Adrenaline rush, kumaripas ako ng takbo at kumalas kay Jo. Wah ako pala dapat ung nagmamadali at hindi si jo . Halos madapa-dapa na ako at di ko ininda ung dulas ng grass at ung malalaking tree roots at ung obstacle ng pagtakbo sa matirik na slope sa gilid ng sunken. At sobrang hindi ko na rin naisip yung mga Jumping Jologs na maaaring mantrip sa akin. Sa sobrang bilis ko napunta ako sa wrong area ng sunken dahil nagshortcut ako at dumaan ako sa putik. Sa likod ko si jo ay medyo malayo na at hinihingal na kakahabol sa kin. So yun, tumuloy pa rin ako sa putik at late ko na narealize na nasa gitna ako ng very as in very soft na lupa. Sinabihang pa nga ako ng mga batang nagtitinda ng panali sa buhok na "ate, maputik dyan di ka makakadaan." So kahit ang dami nang nakatingin sa akin at hinihingal ako ay bumalik ako pa-diagonal sa mud at wah, lumubog yung shoes ko sa malalim na putik. Pero wah care kasi takbo pa rin ako. nung time na yun patapos na ung unang song, Awit ng Kabataan. Di pwede tooooooo!!!!!!! Pagkakita ko sa entrance ang haba ng pila so kahit ganun sumingit ako sa isang ate. At fine, ang atat ko talaga sobrang halos manulak na ako at nagmamadaling dumaan sa nag-iinspect ng tatak at sa nangangapkap. Yes. Sa wakas nasa loob na ko. Ayan malapit naaaa. Takbo, takbo, takbo. Yung boses ni Kuya Japs palapit na! Wahhh. pagkakita ko ang kapal na ng tao compared sa kanina. Buti magaling si Jo at dinrag niya ako paloob. pagkaposisyon ko tumalon agad ako at sumabay sa 2nd song nila. Waaahh! nagpapansin ako at booom! Tumaingin sa amin si Kuya Japs at ngumiti!! Melt, melt melt!!!!!!! ang gwapo nyaaa. tapos tumingin ako kay Jayson Fernandez katabi ni Japs. Ang gwapo rin nya. Heaveeennnn kahit na sobrang dinodominate na ng mga JJ ung harap namin. Thank you talaga at pinansin nya ang pagpapapansin ko. Sobrang natatandaan ko pa ung feeling at nag-freeze ung moment na yon. Ang laki ng dimples ni Kuya Japs....whahahaahhaahhaha.

Ayun at this point pagod na akong magsulat at inaantok na ako tapos 7:00 pa ung klase ko the next day.

So dinagdag ko na lang sa huli ung mga words for the day nina kuya mike at japs nung intro nila sa 3rd song, since Feb. 14 yun at Valentines day:

Kuya Mike: Oh kamusta naman ang valentines? Lecheng pag-ibig yan noh?
Kuya Japs: Oo nga, shet.


wahahahaha!!! syempre kinabisado ko talaga yung mga famous words nila.

1 comment:

usecalibri said...

haha talagang tinype mo yung nasa ntbk mo :)) haha adik :P