Saturday, August 2, 2008

Certificate of Cupidness for Cecile

Since hindi kita ang post title unless i-hover mo dun sa itaas, eto na nga:

Certificate of Cupidness for Cecile

Tuesday, May 13, 2008

Friday, April 18, 2008

Summer classes

whew. grabe. lumipas na talaga ang 1 week ng summer classes ko sa math. grabeeh. nakakapagod pala, lalo na kung may kasabay na chever. haha. tapos ang layo pa ng kamia sa sc. so therefore malayo ang internet, so therefore malayo ang coop. I want coffeeee!! isang buwan na akong hindi nakakatikim ng kape. tapos hindi rin ako nakakapanood ng hana kimi. at one last reklamo - ang room ko ay sa 143. ok naman kasi katabing room ko ung kina peach at jo. ang kaso sina cecile at mich ay nasa babang floor pa and so therefore ang hirap mag room hop. wala lang.

Ang teacher ko nga pala ay si Ma'am Eugenio. Grabe everytime tumitingin ako sa kanya nadidisturb ako kasi may naaalala ako sa kanya - si Jess (Balaquit)!! Sobrang magkamukha sila ng mannerisms, pagsasalita, bastaaaaa must experience talaga! haha. anyway, buti na lang mukhang ok naman si Ma'am Eugenio. Ang kaklase ko nga pala at ang mga katabi ko sa math ay si Tin, Pat at Lenny. Andun din si Steph kaso nasa second row sha. Kami nasa tapat ng teacher. At si Tin ay nagkaka stiff neck na. At ako ay laging nilalandingan ng mga chalkdust kapag binubura ang board.

ah. from now on ginugusto ko nang tawagin ako ng mga tao na Gihanna. Yung 3 syllables ah. kasi....para fun. i even introduced myself as Gihanna sa math class instead of Gihan. Wala lang.

hmmm sa spare time ko tina-try kong manood ng Honey and clover na anime. haha ang kulit talaga ng honey and clover. ang cute kasi.

Monday, April 14, 2008

Orly


Grabeh. Start na ng summer classes. At nasa Kamia Residence hall na ako. At tuwing weekends na lang ako ulit makakauwi sa bahay. At hindi na rin ako masyadong nakakapag-update. Pero anyway, ako ay masaya ngayon. At dahil nakakuha ako ng inspiration somewhere sometime nowadays, ipinost ko tong si orly bloom. Hindi ko sha crush pero napagtripan ko ang mukha nya. At dahil rin sa kaadikan ni jane sa kanya. Sa lahat ng mga chever na nagawa ko, ito ang kauna-unahang na satisfy talaga ako sa kinalabasan. Wee. Ginawa ko nga pala toh nung 10.17.07 :)

Friday, April 4, 2008

Statement of Relativity

Naloloka na ako. Kasi naman tawa na ako ng tawa dito. alam kong corny. pero sobrang natatawa ako. ewan ko ba:

Tao1: hala male-late na tayo sa meeting! 4:30 na! pero oh well time is relative naman eh....ek ek....
Tao2: ok lang yan. oo nga. time is relative. food is also relative. ung ibang food na masarap para sa ibang tao hindi masarap para sa iba. everything is relative. tables are relative. people are relative. cars are relative. paintings are relative....(insert more relatives here)......parents are relatives.

waaah. pero tama naman diba. maraming bagay ang relative sa mga world natin. parang ung mga handicapped. example, ung mga bulag or pipi. ung world natin ngayon built para sa mga normal people na nakakakita at nakakabasa ng writing talaga. kasi ung mga books, printed. sobrang konti ng mga books na na-translate into braille. pero that's a fact. syempre mas maraming tao ang "normal". ung world natin ay relative sa majority nung mga type nung tao. kaya yung mga bulag hindi ganun kadali ang access nila sa mga books, lalo na sa mga latest info ek ek.

p.s. wah. ang init talaga sa world. nakaka dehydrate.

March 31

Yah. I know April 4 na but sobrang "busy" kasi ng life ko ngayon pabalik-balik ako ng UP (or kung saan man nila sabihin sakin) dahil nga don. Adding to that, hindi naman laging available for use by Gihan ang pc. Therefore, halos wala na akong time para mahawakan man lang ang keyboard. Kaya naman let's start with March 31. i've got many things to write supposedly. Supply of kwento is high pero availability of time is very low.

Okay, nung monday ay nag meet kami sa Ateneo. Pero i was late. Grabe ang hirap kaya gumising ng 6am kung normally ang waking time ko ay 11 am, or even 1pm haha. So nakakahiya kay Ma'am Didith. So halos wala naman akong na-absorb. Tapos never ako nakapagsalita tumutungo na lang ako sa mga explanations and comments nya. At ang aking killer smile. :p

Ayun, tapos ang sosyal talaga ni ivan. nakakainis bakit kasi pumayag si paul. so talo ako. so kumain kami sa red ribbon. shet butas na sobra my pockets. pati purse ko and wallet. pamasahe pa lang eh. so i chose the least expensive na lunch - palabok na P82.

Eto na ang pinaka exciting na part. Pisay!! nagpunta kami ng pisay. pero what a noble cause - para kumain. kasi merong something pakain daw si ma'am Capundag. waw ang daming tao sa field na batch 08. un pala next day (april 1) graduation na. oh well. so punta kami ng compsci unit. pinakain kami. sagana talaga si ma'am forever. tapos nakita namin si sir vlad, si ma'am gene, si sir cabalfin (kalbo na sha wahahahahaha!!!), tapos shempre andun si ma'am aimee!!!! waw ang tagal ko na sha hindi nakita. pero busy sha so sandali lang kami nag-usap. pero anyway, tumakas ako sa compsci unit para mag-adventure sa bio unit. tapos andun si sir espinas! pagkakita na pagkakita sakin pinagawa nya agad sakin yung list ng mga field bio at ung courses namin. grabe wala kasing nagrereply sa email nya sa egroup. haha. bad talaga kayo, pati ako. tapos andun si ma'am cheng at ma'am dacs. tapos dumating naman si sir taf - with some news. haha. tapos bumalik ako ng compsci kasi nag-order si ma'am capundag ng pizza hut! rich ma'am talaga. pagdating ko konti na lang kasi ang daming 08 plus ivan at paul sa compsci room. buti pala nakakain pa ako ng isa. haha.

tapos bigla na lang kami umalis papuntang up. hindi ako nakapag bye sa mga teachers. tapos meeting with mr. tim. kamukha sha ni sir mardan. tapos nilibre nya kami sa chocokiss! whoa first time ko talaga dun. haha. what a memorable day. ang first order ko sa chocokiss ay chocochip cheesecake. dapat nga blueberry cheesecake. kaso nauna na si paul. watdaher.

tapos exciting part again! overnight at patrick's. go vpc! dapat 3pm pa lang magmi-meet na kami sa ever. kaso 7pm na natapos ung kain sa chocokiss. grabe wattaday. full of chorva. so ayun nagpaturo ako kay paul papuntang ever. tapos nakita ko na sina denise, pat and jo! wee! bili ng ice cream tapos diretso sa bahay ni pat. nakita ko ung sister nya ang cute! si rianne ang kulit. gusto nyang playmate si denise. laging hinihila tuwang tuwa. just imagine. bagay sila. wahahahahahahaha. siguro na-feel nya na connection. si denise talaga ang lakas ng hatak sa mga baby. pwede nang babysitter. wahaha zhuk! ok lang hindi naman yata to mababasa ni denise. pero ayun, naglaro kami ng stepmania. tapos nanood kami ng movies. 3am ako natulog. ewan ko lang si jo at patrick. si denise tulog. nako. ah basta masaya naman :)

the next day dapat magva-vifi ako. pero hindi ako umattend. wahaha. kasi hanggang 3pm nasa bahay ni patrick kami ni jo. si denise mga 11am umalis dahil sa circus. so kaming tatlo ay nag-stepmania!! wahhaha. tapos nanood nanaman ng scary movies. daher. pero well na-sense na namin na sobrang 20 hours na kami nasa bahay ni pat kaya umalis na kami papuntang up. after maglakad ng mga bagay bagay umuwi na kami.

infairness may naachieve ako. my knowledge of ncr is increasing. alam ko na papunta ever. ohwell. natatamad na ako dahil sa mga bagay bagay. stop na muna.

Wala lang






Wednesday, March 19, 2008

This is my moment to drama

Hehe tama na yang si Ikuta. Masyado na yang magfifiller kasi ang adik ko na sa kanya. Sa ngayon, ako ay nalulungkot dahil tapos na ang kalai days ko with Cecile, Jo, Joy, Mich at Jane!!! huhu. wala nang pupunta sa room ko at sasalpak sa bed ko at mag-aaral dun. Lalo na si mich. kasi kapag nag-aaral sha dun nauuna pa akong makatulog sa kanya tapos aalis sha sa room mga madaling araw na. kahit laging may topak ang ilaw namin sa room. wala na rin akong masasabihan araw-araw ng "i need you" at "i'll jump for you" at "i love you more" (note: yan ang mga taglines at kilig phrases sa hana kimi at coffee prince). Hindi na rin kami madalas makakakanta ng Ikenai Taiyou (Hana Kimi) ng sabay-sabay kahit na hindi naman talaga namin naiintindihan ang ibig sabihin ng bawat word sa kanta. Daher. Hindi na rin namin mashe-share ang pagrereklamo sa pagkain sa kalai at maghihintayan. Hindi na rin kami sabay-sabay kukuha ng tubig sa dispenser para makapagtimpla ng kape/milk tea. Hindi na rin kami makakapag-picnic sa mga pagkain namin. huhu. hindi na rin kami sabay-sabay makakanood ng mga tulad ng hana kimi. Hindi na rin kami mashadong makikipag kwentuhan tungkol sa mga "churvs" namin. awiwiwiwiwi.

Kasi naman everyday after ng mga klase ko at kung ano man ang inaasikaso ko, i always look forward sa mga gabi ko sa kalai. Lately sobrang saya na namin eh. Nag-eenjoy talaga ako kasama sila at nata-touch. Ang sarap ng feeling na may uuwian ka eh. Haha. Wah kaya ako nababahala kasi naman kahit theoretically makakapag keep in touch kami hindi naman yon namamaximize sa experimental results sa totoong buhay. ngek. Kung magdodorm kami, duh, hindi naman kami lahat matatanggap sa iisang dorm. Maraming sources of error: ung point system sa mga dorm, ung mga magulang namin, etc etc.

Pero wait! hindi naman ako malulungkot ng ganon kung matutuloy ang aming plano na mag-boarding house or mag rent sa iisang bahay. Sabi ni joy baka sa UP Bliss makahanap sila. Waaah sana nga!!!!!!!

At ito pa. Si Mica dudes my roommate. Sobrang swerte ko na sha ang roommate ko. As in. Ang bait nya sobra. Salamat din sa laptop nya nakakapanood kami ng Coffee Prince at Hana Kimi. At syempre nakakapagpatugtog ako ng rivermaya!!! ahahah. Tapos kung kailangan namin para sa requirements ay nakiki-type kami sa kanya.

Ahhhhhh. Time drives, flies, runs, and glides soooo fast.

Saturday, March 1, 2008

Sad Post

Nanood ako ng isang korean movie at ang title nya ay Sad Movie. Shaaaks, ang sad nga. Sukdulang pagka-sad :( kahit paputul-putol ung panonood ko (which means hindi mo siguro masyadong mafi-feel) kasi sinisingit ko lang sa paggamit ng pc, waaahh sobrang umiiyak ako talaga. Pero nakakaadik ung pag-iyak ko kasi gusto ko pang umiyak. Kasi ang sad movie nga nya.

But oh well, isa pang sad movie na nangyari sa totoong buhay, ang istorya ng palakang pinapangalanan kong Happy para hindi naman lahat sa kanya ay sad. Kasi sa bio11 lab namin, ako ngayon ang nag-pith ng frog. Last time kasi si Den at yung isang ate na ka-group namin. Ang feeling ko pa nga dati kasi inisip ko sa loob-loob ko na "ang bagal naman ni ate mag-pith." Pero ngayong ako na ang nag-pith sobrang hirap pala sa kaloob-looban. First time ko at halos maiyak na ako kahapon kasi hawak-hawak ko ng right hand ko yung katawan ni Happy tapos ung left hand may needle na pantusok nung ulo nya. Sobrang mafi-feel mo kasi kung pano sya nag-silent struggle habang pinapatay ko sha. Wah. Kawawa naman yung frog! Una kakapain yung depression sa may skull nya tapos ididiretso mo na sa loob at ima-macerate. Shaaks ima-macerate ko pa. Tapos double pithing kasi so ibabaligtad mo yung needle at ang aim mo ay pumasok sa vertebra at i-macerate din ang spinal cord nya. Waaahh ang hirap talaga kaya sobrang tagal ko nag-pith at tinuturuan ako ni ate kung ano ang gagawin. Isipin mo ikaw ung ima-macerate.

Isa pa, natalsikan ako ng formalin sa mata kahapon!! Awwchhhh ang sakit non infairness.

Pero wah nagi-guilty ako ngayon kasi nung patay na ung frog at na-dissect na namin at nakalabas na lahat ng organs nya at tapos na yung pag-identify namin sa mga parts, inexamine ko pa rin sha tapos pinaglalaruan ko pa nga yung organs. Watdahur.

Hmmm. Dapat kagabi ng 7:30 ay pupunta lahat ng candidates sa USC sa kalai tapos isa-isa silang magsasalita. Pero dahil 7:30 pa yon, umuwi na ako. Sayang ang bahay. Buong week na nga ako nasa dorm eh. Wah sana manalo yung mga gusto kong manalo. Hehe. Uy pero! pero! pero! nilulubos ko na ngayon ang mga kalai moments ko kasi malapit na ang 2nd year. Sobrang bilis ng time. May nagsabi nga kagabi, si Joy ata, "maya maya lang may pamilya na tayo." Syaks.

Anyway, nanood ako ng recital ng Kontragapi with Joy, Jane, Cecile at si Cheska. Napakasaya! ang galing nila tumugtog at ang galing nung mga nagsasayaw. Sana matuloy ang balak namin ni Jo na pagsali don. hehe. Eto nga pala multiply nila, pero hindi masyadong updated: www.kontragapi.multiply.com

Oh, tinatamad pa akong gumawa ng kahit ano. so manonood pa ako ng Korean movie!!! wahaha.

Teka, magrarant muna ako. Hindi ko na mapigilan. Bumagsak ako sa Chem26.1 Midterm exam. Take note: Midterms! Syomay. I keep on blaming my prof kasi hindi sha magaling magturo. As in. I think buong class mag-aagree, or ako rin nag-aagree sa kanila. Either way. Pero syempre ako rin ang may kasalanan nun. Kasi di naman yun dahilan para hindi ko seryosohin ang isang medterm exam. Anobayan.

Saturday, February 23, 2008

Rivermaya nung UP Fair

actually sobrang late na nitong post na to dapat nung isang week ko pa to pinost kaso nag weekend stay ako at ngayon lang ako nakauwi.

Sabi nga sa title, nanood ako nung fair week. pero nung thursday lang - nung SISFIRE. kasi nga un lang ung may RIVERMAYA!!!!!!!!!!!! at isa pa di ako nakanood nung tuesday kasi maysakit din ako nun. pero buti ok na ako by thurs dahil yun ang pinakahihintay ko sa lahat.

Nakauwi na kami ni jo ng mga 1:00 am. wahaha. pagkatapos na pagkatapos kong magbihis ng pantulog ito dinocument ko na ang ligayang nadarama ko nun at ito ang isinulat ko sa eeetsyyy-beeeetsy notebook ko:

Ayun, so mga 10pm hinatin namin from the fair grounds si Peach papuntang kalai kasi curfew na nya. Nung pagbalik namin sa sunken, si Jo nga ay sobrang nagmamadali kasi baka daw stonefree na ang mag-perform. Pagdating namin sa sunken sa side ng for exit only, biglang narinig ng aking radar ears ang intron ng "Bandila" mixed with other sikat na intros ng songs ng Rivermaya! sobrang kumabog yung puso ko. Shet. Wah ang layo namin at nandun kami sa other side ng sunken (magkahiwalay ang entrance at exit). Adrenaline rush, kumaripas ako ng takbo at kumalas kay Jo. Wah ako pala dapat ung nagmamadali at hindi si jo . Halos madapa-dapa na ako at di ko ininda ung dulas ng grass at ung malalaking tree roots at ung obstacle ng pagtakbo sa matirik na slope sa gilid ng sunken. At sobrang hindi ko na rin naisip yung mga Jumping Jologs na maaaring mantrip sa akin. Sa sobrang bilis ko napunta ako sa wrong area ng sunken dahil nagshortcut ako at dumaan ako sa putik. Sa likod ko si jo ay medyo malayo na at hinihingal na kakahabol sa kin. So yun, tumuloy pa rin ako sa putik at late ko na narealize na nasa gitna ako ng very as in very soft na lupa. Sinabihang pa nga ako ng mga batang nagtitinda ng panali sa buhok na "ate, maputik dyan di ka makakadaan." So kahit ang dami nang nakatingin sa akin at hinihingal ako ay bumalik ako pa-diagonal sa mud at wah, lumubog yung shoes ko sa malalim na putik. Pero wah care kasi takbo pa rin ako. nung time na yun patapos na ung unang song, Awit ng Kabataan. Di pwede tooooooo!!!!!!! Pagkakita ko sa entrance ang haba ng pila so kahit ganun sumingit ako sa isang ate. At fine, ang atat ko talaga sobrang halos manulak na ako at nagmamadaling dumaan sa nag-iinspect ng tatak at sa nangangapkap. Yes. Sa wakas nasa loob na ko. Ayan malapit naaaa. Takbo, takbo, takbo. Yung boses ni Kuya Japs palapit na! Wahhh. pagkakita ko ang kapal na ng tao compared sa kanina. Buti magaling si Jo at dinrag niya ako paloob. pagkaposisyon ko tumalon agad ako at sumabay sa 2nd song nila. Waaahh! nagpapansin ako at booom! Tumaingin sa amin si Kuya Japs at ngumiti!! Melt, melt melt!!!!!!! ang gwapo nyaaa. tapos tumingin ako kay Jayson Fernandez katabi ni Japs. Ang gwapo rin nya. Heaveeennnn kahit na sobrang dinodominate na ng mga JJ ung harap namin. Thank you talaga at pinansin nya ang pagpapapansin ko. Sobrang natatandaan ko pa ung feeling at nag-freeze ung moment na yon. Ang laki ng dimples ni Kuya Japs....whahahaahhaahhaha.

Ayun at this point pagod na akong magsulat at inaantok na ako tapos 7:00 pa ung klase ko the next day.

So dinagdag ko na lang sa huli ung mga words for the day nina kuya mike at japs nung intro nila sa 3rd song, since Feb. 14 yun at Valentines day:

Kuya Mike: Oh kamusta naman ang valentines? Lecheng pag-ibig yan noh?
Kuya Japs: Oo nga, shet.


wahahahaha!!! syempre kinabisado ko talaga yung mga famous words nila.