Friday, April 4, 2008

March 31

Yah. I know April 4 na but sobrang "busy" kasi ng life ko ngayon pabalik-balik ako ng UP (or kung saan man nila sabihin sakin) dahil nga don. Adding to that, hindi naman laging available for use by Gihan ang pc. Therefore, halos wala na akong time para mahawakan man lang ang keyboard. Kaya naman let's start with March 31. i've got many things to write supposedly. Supply of kwento is high pero availability of time is very low.

Okay, nung monday ay nag meet kami sa Ateneo. Pero i was late. Grabe ang hirap kaya gumising ng 6am kung normally ang waking time ko ay 11 am, or even 1pm haha. So nakakahiya kay Ma'am Didith. So halos wala naman akong na-absorb. Tapos never ako nakapagsalita tumutungo na lang ako sa mga explanations and comments nya. At ang aking killer smile. :p

Ayun, tapos ang sosyal talaga ni ivan. nakakainis bakit kasi pumayag si paul. so talo ako. so kumain kami sa red ribbon. shet butas na sobra my pockets. pati purse ko and wallet. pamasahe pa lang eh. so i chose the least expensive na lunch - palabok na P82.

Eto na ang pinaka exciting na part. Pisay!! nagpunta kami ng pisay. pero what a noble cause - para kumain. kasi merong something pakain daw si ma'am Capundag. waw ang daming tao sa field na batch 08. un pala next day (april 1) graduation na. oh well. so punta kami ng compsci unit. pinakain kami. sagana talaga si ma'am forever. tapos nakita namin si sir vlad, si ma'am gene, si sir cabalfin (kalbo na sha wahahahahaha!!!), tapos shempre andun si ma'am aimee!!!! waw ang tagal ko na sha hindi nakita. pero busy sha so sandali lang kami nag-usap. pero anyway, tumakas ako sa compsci unit para mag-adventure sa bio unit. tapos andun si sir espinas! pagkakita na pagkakita sakin pinagawa nya agad sakin yung list ng mga field bio at ung courses namin. grabe wala kasing nagrereply sa email nya sa egroup. haha. bad talaga kayo, pati ako. tapos andun si ma'am cheng at ma'am dacs. tapos dumating naman si sir taf - with some news. haha. tapos bumalik ako ng compsci kasi nag-order si ma'am capundag ng pizza hut! rich ma'am talaga. pagdating ko konti na lang kasi ang daming 08 plus ivan at paul sa compsci room. buti pala nakakain pa ako ng isa. haha.

tapos bigla na lang kami umalis papuntang up. hindi ako nakapag bye sa mga teachers. tapos meeting with mr. tim. kamukha sha ni sir mardan. tapos nilibre nya kami sa chocokiss! whoa first time ko talaga dun. haha. what a memorable day. ang first order ko sa chocokiss ay chocochip cheesecake. dapat nga blueberry cheesecake. kaso nauna na si paul. watdaher.

tapos exciting part again! overnight at patrick's. go vpc! dapat 3pm pa lang magmi-meet na kami sa ever. kaso 7pm na natapos ung kain sa chocokiss. grabe wattaday. full of chorva. so ayun nagpaturo ako kay paul papuntang ever. tapos nakita ko na sina denise, pat and jo! wee! bili ng ice cream tapos diretso sa bahay ni pat. nakita ko ung sister nya ang cute! si rianne ang kulit. gusto nyang playmate si denise. laging hinihila tuwang tuwa. just imagine. bagay sila. wahahahahahahaha. siguro na-feel nya na connection. si denise talaga ang lakas ng hatak sa mga baby. pwede nang babysitter. wahaha zhuk! ok lang hindi naman yata to mababasa ni denise. pero ayun, naglaro kami ng stepmania. tapos nanood kami ng movies. 3am ako natulog. ewan ko lang si jo at patrick. si denise tulog. nako. ah basta masaya naman :)

the next day dapat magva-vifi ako. pero hindi ako umattend. wahaha. kasi hanggang 3pm nasa bahay ni patrick kami ni jo. si denise mga 11am umalis dahil sa circus. so kaming tatlo ay nag-stepmania!! wahhaha. tapos nanood nanaman ng scary movies. daher. pero well na-sense na namin na sobrang 20 hours na kami nasa bahay ni pat kaya umalis na kami papuntang up. after maglakad ng mga bagay bagay umuwi na kami.

infairness may naachieve ako. my knowledge of ncr is increasing. alam ko na papunta ever. ohwell. natatamad na ako dahil sa mga bagay bagay. stop na muna.

2 comments:

clarisse said...

The best si Ma'am didith db?!!! :D

Gihan said...

Yep. :) sa tinging ko ang considerate nya sa mga students. hehe.